Batasan 5 dadakmain ng PNP paglabas ngayon sa Kamara
May 8, 2006 | 12:00am
Nakaposte na sa palibot ng Batasan Complex ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) para sa gagawing pag-aresto sa tinaguriang Batasan 5 na nakatakdang lumabas ngayong araw sa Kamara.
Ang Batasan 5 na kinabibilangan nina Partylist Reps. Liza Maza, Joel Virador, Rafael Mariano, Satur Ocampo at Teddy Casiño ay nagpahayag na lalabas sila ngayon ng Kongreso sa kabila ng bantang pag-aresto ng PNP, subalit nagbabala na kakasuhan nila ng illegal arrest ang pulisya kapag hinuli sila ng walang maipapakitang warrant of arrest.
Anang mga kongresista, wala nang dahilan pa para manatili sila sa protective custody ng House dahil ibinasura na ng Makati Regional Trial Court ang kasong rebelyon laban sa kanila.
May dalawang buwan ding nanatili sa Kamara ang Batasan 5.
Ayon naman kay PNP spokesman Sr. Supt. Samuel Pagdilao, status quo ang order ng PNP, ibig sabihin ay tuloy ang arrest order sa Batasan 5 maliban na lamang kung may pagbabago sa kautusan.
Ipinaliwanag ni Pagdilao na kahit idinismis ang rebelyon laban sa lima ay hindi naman aniya dinesisyunan ng Makati RTC ang merito ng kaso bagkus ang "dismissal ay ibinase lamang sa teknikalidad.
Binigyang-diin pa ni Pagdilao na wala ring ipinag-utos ang Makati RTC para sa paglaya ng Batasan 5.
Sa bantang pag-aresto sa limang militanteng kongresista, ikinatwiran ni Pagdilao na ang kasong rebelyon laban sa mga ito ay isang "continuing crime." (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am