^

Bansa

PANOORIN: Sara Duterte, bakit hindi pinanood ang SONA ni Marcos?

Philstar.com

MANILA, Philippines — Hindi pinanood ni Vice President Sara Duterte ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sinabi niyang wala rin siyang balak basahin kahit ang buod nito.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa The Hague, Netherlands noong Lunes, July 27, matapos ang pagharap ni Marcos sa publiko para iulat ang kalagayan ng bansa at mga programa ng kanyang administrasyon.

Sa halip na talakayin ang laman ng SONA, binatikos ni Duterte ang mga pahayag ng Pangulo at hinimok ang publiko na huwag agad maniwala sa mga pangakong binitiwan sa talumpati, kabilang ang mga hakbang kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control project.

Sinabi rin ni Duterte na may dalawang hiling lamang siya kay Marcos bago siya pumayag na maging running mate nito sa 2022 elections. Ayon sa bise presidente, isa sa mga ito ay hindi umano natupad ni Marcos isang buwan lamang matapos silang manalo sa halalan. — Mula sa ulat ni Cristina Chi

BONGBONG MARCOS

SARA DUTERTE

SONA 2026

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with