^

Bansa

PDSP sa taumbayan: Gobyerno, patawarin na!

-
Nanawagan ang grupong kaalyado ng kasalukuyang administrasyon sa taumbayan na patawarin na ang pamahalaan at kalimutan ang lahat matapos na desisyunan ng Korte Suprema na "unconstitutional" ang pamamaraang ginamit sa pagpapatupad ng Presidential Proclamation 1017 at kalimutan ang anupamang uri ng paghihiganti.

Ito ang naging payo ni Atty. Nonong Ricafrente, legal counsel ng Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) sa mga grupong nagbabantang kasuhan ang gobyerno.

Aniya, hindi matatapos ang gantihan sa pagitan ng iba’t ibang partido at grupo kapag wala sa mga ito ang magpapakumbaba.

Idinagdag pa ni Ricafrente na ginagawa lamang umano ng mga pulis at iba pang kinauukulan ang kanilang trabaho upang bigyan ng proteksyon ang estado mula sa mga grupong tangkang agawin ang kapangyarihan kaya hindi marapat na bantaan ng kasong kriminal at administratibo ang mga ito.

Samantala, pinuri naman ng PDSP ang desisyon ng kataas-taasahang hukuman na kumikilala sa kapangyarihan ng Presidente sa pagdeklara nito ng state of national emergency at atasan ang pulis maging ang militar na pigilan ang karahasan subalit kinikilala rin ang kalayaang makapaghayag at makapagtipon ng taumbayan. (Doris Franche)

ANIYA

DORIS FRANCHE

IDINAGDAG

KORTE SUPREMA

NANAWAGAN

NONONG RICAFRENTE

PARTIDO DEMOKRATIKO-SOSYALISTA

PILIPINAS

PRESIDENTIAL PROCLAMATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with