Dizon balik DOTr; Lopez, DPWH chief

MANILA, Philippines — Nagpalitan ng puwesto sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Giovanni “Banoy” Lopez bilang bahagi ng mas pinaigting na reporma sa pamahalaan.?
Sa anunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Lino Cayetano, sinabi nitong layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang reporma at maihatid ang mga pagbabagong direktang mararamdaman ng mga Pilipino.?
Dahil dito, muling babalik sa DOTr si Dizon habang lilipat naman si Lopez sa DPWH.?“President Ferdinand R. Marcos Jr. wants to accelerate reform and deliver changes Filipinos can see in their lives,” ayon kay Cayetano.?
Inatasan si Lopez na higit pang palakasin ang mga pananggalang laban sa katiwalian at isulong ang mga reporma sa pamamagitan ng pagbuo ng mga polisiya, proseso, at sistemang magpapatuloy na maglilingkod sa mamamayan kahit matapos ang kasalukuyang administrasyon.?
Samantala, magpapatuloy si Dizon sa kanyang misyon sa DOTr upang linisin ang ahensiya at tiyaking maayos na naipatutupad ang mga proyekto ng pamahalaan, kasabay ng pagsusulong ng transparency at accountability sa serbisyo publiko.?
- Latest






















