SSS members na kumikita ng mababa sa P10K/buwan, may ayuda

MANILA, Philippines — Simula Oktubre 30, makatatanggap na rin ng ayuda sa ilalim ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food and Transport (UPLIFT) program ang mga aktibong miyembro ng Social Security System (SSS) na may buwanang salary credit na hindi hihigit sa P10,000.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary at spokesman Irene Dumlao, aabot sa P8,000 cash assistance na matatanggap ng mga kwalipikadong benepisyaryo sa pamamagitan ng kanilang disbursement accounts.
Ipinaliwanag ni Dumlao na rati ay mga SSS members lamang na may monthly salary credit na hindi lalampas sa P20,000 ang sakop ng programa, ngunit pinalawak ito upang mas marami pang mababa ang kita na manggagawa ang matulungan.
Ang UPLIFT program ay inilunsad upang mabawasan ang epekto ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Noong Oktubre 23 at 24, natanggap ng Group 3 o mga SSS member na may buwanang salary credit na hanggang P20,000 ang ikalawang tranche ng cash aid.
Samantala, ang ikatlo at ikaapat na tranche na nagkakahalaga ng P4,000 para sa Group 2 o mga itinuturing na “near poor” ay ipapasok sa kanilang electronic wallets simula Nobyembre 6.
Pinayuhan ni Dumlao ang mga benepisyaryong wala pang e-wallet na hintayin ang abiso ng kanilang local government unit hinggil sa iskedyul ng manual payout.
- Latest


















