Mga bangko magsasara, fake news! - BSP

MANILA, Philippines — Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko hinggil sa isang pekeng social media video na nagsasabing ang mga bangko sa bansa ay magsasara sa Biyernes.
Sa isang abiso ng BSP, nabatid na ang naturang video ay orihinal na ibinahagi sa Facebook, na siyang nagtanggal nito.
Gayunman, nagbabala ang BSP na ang naturang video ay maaaring nagsi-circulate pa, nire-repost o kinukopya.
Tiniyak naman ng BSP na handa silang gumawa ng kaukulang aksiyon laban sa sinumang indibidwal o organisasyon na sangkot sa paglikha at pagpapakalat ng mga materyales o kahalintulad na fake news.
“The BSP is prepared to take action against any persons or organizations involved in creating or spreading the material or any similar fake news,” bahagi pa ng abiso.
Nanawagan din ang BSP sa publiko na kaagad na ireport ang anumang kahalintulad na misleading na post o claims sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng kanilang email na [email protected].
- Latest



















