PANOORIN: Claire Castro, itinangging nag-apply bilang SC associate justice
MANILA, Philippines — Itinanggi ni Palace Press Officer Claire Castro na nag-apply siya para sa posisyon bilang associate justice ng Supreme Court.
"Associate justice ng Supreme Court si Ante Kler? Hindi ako nag-apply, so wala pong katotohanan 'yan," ani Castro sa press briefing ngayong Martes, Oktubre 27.
Giit naman ni Castro, ayaw nito pangunahan kung sinuman ang mapipili ni Pangulong Bongbong Marcos bilang susunod na chief justice ng Supreme Court.
"Ayaw po nating pangunahan kung sinuman ang mapipili ng Pangulo. Lahat naman sila ay magaling pero syempre mayroong namumukod-tangi. Pero si Ante Kler bilang associate justice ng Supreme Court? Hindi po tayo nag-apply," aniya.
- Latest















