Mga guro sa Caloocan binigyan ng holiday
December 12, 2005 | 12:00am
Bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga guro sa pagpapaunlad ng bayan, idineklara ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang bawat ikalawang Biyernes ng Disyembre bilang "City Teachers Day".
Sa Executive Order No. 037-05, sinabi ni Echiverri na simula Disyembre 9, 2005, ang bawat ikalawang Biyernes ng huling buwan ng taon ay isa nang "special non-working holiday" para sa lahat ng pampubliko at pampribadong elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod.
Ayon dito, nararapat lamang na mabigyan ng pagkilala ang mga guro sa kanilang walang kapaguran at dedikasyon para lamang matuto ang mga mamamayan.
Binigyang-diin nito na ang mga guro ang pangunahing instrumento sa pagpapanuto sa mga kabataan at ibahagi sa kanila ang mga tamang kaugalian at gawin silang responsable at kapaki-pakinabang na bahagi ng lipunan.
Ang deklarasyon ng holiday ay bilang tugon sa hiling ng mga guro at bilang pagkilala sa kanilang natatanging bahagi sa pagsusulong sa kabutihan ng lungsod. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended