^

Bansa

Family planning ng DOH palpak

-
Sinabon kahapon ni Senate President Pro-Tempore Juan Flavier si Health Secretary Francisco Duque dahil sa palpak na family planning program ng ahensiya matapos matuklasan na puro conference lamang ang ginawa ng Couples for Christ (CFC) sa pondo nito.

Sinabi ni Sen. Flavier, higit na mapapakinabangan ang nakalaang pondo sa family planning kung ginamit ito ng DOH sa pagbili ng mga contraceptives kaysa ipinagkatiwala sa CFC na wala namang nagawa kundi ang magpa-seminars at conference.

Ibinunyag ni Flavier na batay sa kanyang impormasyon, hanggang sa kasalukuyan ay ang CFC pa rin ang nakikinabang sa natitirang P26 milyon mula sa kabuuang P50 milyong pondo para sa family planning program.

Inilihis naman ni Duque ang usapin at ipinagmalaki na handa ang DOH sa pinangangambahang pagpasok ng bird flu sa bansa kung saan ay mayroong P160 milyong pondo dito ang ahensiya upang ipambili ng gamot mula sa India dahil sa kawalan ng available na gamot nito sa bansa. (Rudy Andal)

DUQUE

FLAVIER

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

IBINUNYAG

INILIHIS

PONDO

RUDY ANDAL

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE JUAN FLAVIER

SINABI

SINABON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with