Pasimuno ng Peoples Court makakalaboso
November 11, 2005 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na maaaring makulong ang mga organizer ng Citizens Congress on Truth and Accountability (CCTA) kung ipagpapatuloy nila ang paglilitis ng umanoy mga kasalanan sa bayan ni Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Sen. Santiago, maaaring patawan ng contempt ng Supreme Court ang mga organizer ng Peoples Court dahil nakabinbin na sa Korte ang petisyon na kumukuwestiyon sa pagkakabasura ng impeachment case ng Pangulo sa Kamara.
Bukod sa contempt, sinabi din ni Santiago na maaaring kasuhan ng inciting to sedition ang mga organizer ng mock trial dahil pinapainit nito ang damdamin ng taumbayan para mag-alsa laban sa gobyerno.
Binigyang-diin pa nito na maaaring guilty din sa corruption ang convenor nito kaya hindi rin mapagkakatiwalaan ang isinasagawa nilang paglilitis.
Naniniwala ang senadora na media publicity o gimik lamang ang Peoples Court dahil alam nilang hindi tatayo ang kanilang findings sa umiiral na batas sa bansa. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended