VP Sara, lugi ang bayad sa mga abogado
MANILA, Philippines — Inihayag ni House trial adviser at Spokesperson Robert Ace Barbers na lugi umano si Vice President Sara sa malaking halaga ng bayad nito sa kaniyang mga defense counsels upang ipagtanggol siya sa paglilitis sa Senate impeachment court.
Ito ay matapos ang magkakasunod na pagsablay sa testimonya ng tatlong iprinisintang testigo ng kanyang defense team.
Kabilang sa mga ito ay sina Davao City Assessor Engineer Jaime Adalin na iniharap noong Lunes na mistulang nagka-amnesiya sa travel trips nito sa China habang hindi rin matukoy ang ari-arian ni VP Sara sa Brgy. Matina Crossing 74-A kung ito ang nakatala sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Nitong Martes ay iniharap naman si Engineer John Kenneth Enumerable na hindi naman batid ang geograpiya sa Island Garden City of Samal sa Brgy. San Isidro, Kaputian District ng nasabing isla at ang Sitio Matanos sa Brgy Pangubatan na kinaroroonan umano ng ari-arian ni VP Sara.
Habang si Davao City Accountant Vingiline Bajan ay hindi nito mismo makilala ang kaniyang pirma sa partnership sa isang accounting firm.
Inihayag ni Barbers na hindi kapani-paniwala ang mga testimonya ng naturang mga testigo na nabigong sagutin sina private prosecutors Benjamin “Jay” Tolosa at May Divinagracia.
- Latest


















