Malaking bawas-presyo sa petrolyo, asahan
MANILA, Philippines — Inaasahang ipatutupad sa Martes, Nobyembre 17 ang panibagong malaking bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Batay sa pagtataya ng isang oil industry source na posibleng bumaba ng P4 hanggang P5 kada litro ang presyo ng diesel, habang nasa P3 hanggang P4 kada litro naman ang inaasahang rollback sa gasolina.
Kabilang sa mga dahilan ng inaasahang pagbaba ng presyo ang paghupa ng pangamba sa pandaigdigang suplay ng langis kasunod ng mga diplomatic development sa Gitnang Silangan.
Gayunman, nananatili ang posibilidad ng pagbabago sa presyo dahil sa mga pag-atake sa mga pasilidad ng langis sa Saudi Arabia at sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz.
Matatandaang nitong Nobyembre 10 ay nagpatupad ng malaking rollback ang mga kumpanya ng langis, kung saan bumaba ng P16.80 kada litro ang gasolina, P4.10 ang diesel at P3.70 ang kerosene.
Iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis sa Lunes, Nobyembre 16, ang pinal na halaga ng price adjustment na ipatutupad kinabukasan.
- Latest
















