Media takeover nakaamba
October 14, 2005 | 12:00am
Kasama umano sa planong emergency powers ng Malacañang ang pag-takeover sa ibat ibang media entities.
Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni dating Executive Secretary Oscar "Oca" Orbos na sakaling matuloy ang binabalangkas na Martial Law, plano ng Palasyo ang pagkuha ng sapilitan sa lahat ng opisina ng media kahit itoy radyo, diyaryo o TV.
Kung matuloy ang batas militar, kailangan anya ang higit na pagmamatyag ng mga mamamahayag dahil uni-unti nang sinisikil ng pamahalaan ang kalayaan ng sinuman sa pagpapahayag.
Sinabi ni Orbos na sa kasalukuyan ay ang media na lamang ang ginagamit na sandalan ng mamamayan upang malaman ang lahat ng uri ng pangyayari sa loob at labas ng Malacañang. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended