^

Bansa

‘Exorcism’ ni Fr. Reyes at Akbayan kinondena

-
Kinondena ng mga kongresista ang ginawang exorcism o pagpapalayas ng ‘demonyo’ sa House of Representatives ng grupo ni running priest Fr. Robert Reyes at ng Akbayan party-list kung saan winisikan pa ng holy water ni Reyes ang larawan ng mga mambabatas na nasa may pintuan ng session hall noong Martes.

Ayon kina House Majority Floor Leader Prospero Nograles at Makati Rep. Teodoro Locsin, hindi dapat ginawang katawa-tawa ng grupo ni Reyes ang exorcism dahil isa itong seryosong rituwal na hindi dapat basta-basta ginagawa ng Simbahang Katoliko.

Magkakaiba aniya ang paniniwala ng mga kongresista pagdating sa relihiyon dahil ang iba sa kanila ay Muslim, Iglesia ni Cristo at mayroon din umanong hindi naniniwala sa Diyos.

Nagmistula rin umanong na-‘possessed’ o sinasapian ng demonyo ang mga kongresistang hindi pabor sa isinusulong na impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo dahil sinabuyan ni Reyes ng holy water ang mga litrato ng mga solon.

"They are bordering on a criminal felony, slander by deeds or grave scandal. They should not have insulted House members who exercised their beliefs and rights in the impeachment," ani Nograles.

Sinabi pa ni Nograles na dapat magbantay ang Simbahang Katoliko sa ginagawa ng ilang mga pari sa gitna ng krisis pulitikal na nararanasan ng bansa.

Matatandaan na ginawa ng grupong Akbayan ang exorcism dahil umano sa pulitika, partisanship at kasinungaling na naghahari sa Kamara.

Inindorso na sa ethics committee ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa ginawa ni Reyes at ng Akbayan. (Malou Rongalerios)

AKBAYAN

HOUSE MAJORITY FLOOR LEADER PROSPERO NOGRALES

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MAKATI REP

MALOU RONGALERIOS

NOGRALES

PANGULONG ARROYO

REYES

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with