^

Bansa

Palasyo dedma sa ‘pangangampanya’ ni Susan

-
Walang nakikita ang Malacañang na paglabag sa batas ang ginagawang paglilibot ni Ms. Susan Roces sa iba’t ibang dako ng bansa para pangunahan ang kampanyang "Gloria Step Down Movement".

Ang pahayag ay kaugnay ng pagpunta kahapon sa Davao ni Ms. Roces para ikampanya ang panawagang magbitiw sa puwesto ang Pangulo.

Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, walang magagawa ang Malacañang kung gusto ni Roces na maglibot sa iba’t-ibang dako ng bansa dahil may kalayaan ang sinuman na magsalita sa ilalim ng demokrasya.

"Wala akong nakikitang anumang liability dito so long as its done in a peaceful and orderly manner," ani Bunye.

Sinabi pa ni Bunye na hindi kinakabahan si Pangulong Arroyo sa kampanyang ginagawa ni Ms. Roces dahil palagi namang kontrolado niya ang sitwasyon sa bansa.

Sa ginanap ding press briefing kahapon, sinabi ni Bunye na walang basehan ang mga obserbasyon na ayaw nang lumabas ang Pangulo sa Palasyo para hindi malagay sa alanganin ang kanyang seguridad kaugnay ng tumitinding problema sa pulitika sa bansa.

Sinabi ni Bunye na nitong mga nakaraang linggo, hindi lumalabas ang Pangulo sa Palasyo dahil sa dami ng mga dumarating na bisita na kailangan niyang tanggapin sa Malacañang.

Kahapon din, kinansela ng Pangulo ang nakatakda niyang pagdalo sa inagurasyon ng opisina ng Fil-Chinese Business Club sa Binondo, Maynila.

Pinapunta na lang ng Pangulo si Executive Secretary Eduardo Ermita para katawanin siya sa okasyon. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

BUNYE

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

FIL-CHINESE BUSINESS CLUB

GLORIA STEP DOWN MOVEMENT

LILIA TOLENTINO

MALACA

MS. ROCES

MS. SUSAN ROCES

PALASYO

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with