Pa-golf ni Recom para sa mga batang lansangan
May 19, 2005 | 12:00am
Inspirado sa tagumpay ng ginanap na 1st "Recom Echiverri" Golf Classic, muling nag-organisa si Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ng golf tournament para sa kapakanan ng mga batang lansangan.
Umaasa si Echiverri na malalagpasan niya ang pondong nagkakahalaga ng P1.7 milyon na nakolekta sa unang golf tournament na ginanap sa Club Intramuros Golf Course noong Nobyembre.
Ibinigay ang nasabing halaga sa Gabay Masa Foundation, isang institusyong nagsusulong ng proteksyon at kagalingan ng mga street children.
Sa nasabing institusyon rin mapupunta ang makokolektang pondo sa ikalawang golf tournament.
Dahil dito, hinimok ng alkalde ang mga mahihilig sa golf na makilahok sa 2nd Recom Echiverri Golf Classic na gaganapin sa May 25 sa Philippine Navy Golf Club, Fort Bonifacio, Taguig. Gagawin ang tee off bandang alas-7 ng umaga.
Kinakailangang magbayad ng P2,500 ang mga lalahok para sa kanilang green fee, caddie fee, dinner sa awarding ceremonies, at raffle ticket.
Mayroon ring ipamamahaging give-aways at magkakaroon ng kaunting pagtatanghal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am