^

Bansa

DNA ng mga kriminal pinaiipon

-
Nais ni Quezon Rep. Lorenzo Tañada III na magkaroon ng database para sa DNA (deoxyribonucleic acid) ng mga convicted criminals at iba pang indibidwal na naakusahan kahit na hindi pa nahahatulan sa krimen.

Sa House Resolution 659 na inihain nito, sinabi ni Tañada na kinilala ng iba’t ibang justice system sa buong mundo ang potensiyal at pagiging epektibo ng DNA bilang siyentipikong paraan sa pagresolba ng krimen.

Magagamit ang DNA sa pagkilala sa mga kriminal, maresolbahan ang krimen at mapawalang-sala ang mga inosente o mga walang kasalanan na naakusahan ng krimen, at mas mapapabilis din ang pagkilala sa mga nawawalang tao.

Sa ilalim ng panukala, ang DNA database ay kokolektahin at imamantina ng bubuuing DNA Technology Center.

Una nang ipinakilala sa bansa noong 1996 ang DNA technology sa pagkakabuo ng Presidential Anti-Crime Commission sa pamamagitan ng itinayong DNA Analysis Laboratory sa Natural Sciences Research Institute ng UP.

Simula rito, iba’t ibang government at private laboratories ang nagsasagawa na rin ng DNA testing kabilang na ang National Bureau of Chemistry Division, St. Luke’s Medical Center at PNP Crime laboratory.

Ang isang DNA test kit ay nagkakahalaga ng P45,000, subalit sinabi ni Tañada na mapapakinabangan ito sa mahaba-habang panahon sa mabilisang pagresolba ng krimen. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANALYSIS LABORATORY

DNA

LORENZO TA

MALOU RONGALERIOS

MEDICAL CENTER

NATIONAL BUREAU OF CHEMISTRY DIVISION

NATURAL SCIENCES RESEARCH INSTITUTE

PRESIDENTIAL ANTI-CRIME COMMISSION

QUEZON REP

SA HOUSE RESOLUTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with