NLAP sa DOE: Konsyumer magdurusa, draft ng LPG Cylinder Swapping Centers ‘wag ipilit
MANILA, Philippines — Nanindigan ang National LPG Alliance of the Philippines, Inc (NLAP) na dapat ang gobyerno ang mamahala sa swapping center at hindi ang marketers kaugnay sa pagtutol sa usapin ng Draft Guidelines ng liquified petroleum Gas (LPG) Cylinder Swapping Centers.
Sa pagpapatuloy public consultation sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau, iginiit ni N (NLAP) President Jose “Jojo” Cruz kay DOE Director Rino Abad na huwag ipilit ang isang bagay para ma-satisfy ang batas, kung ang maaapektuhan at magdurusa ang consumer o taumbayan.
Ayon kay NLAP President Cruz at iba pang independent dealers at stakeholders, kung ang marketers ang mamamahala sa swapping center, magkakaroon ng personal na business at conflict of interest na sa huli ang kawawa ay ang mga consumer.
Nananawagan din si Cruz na dapat amyendahan ng kongreso ang batas, na tunay na magbibigay ng proteksyon sa mga independent LPG players at mga consumers laban sa monopolyo na ang magdurusa ay ang taumbayan.
Nagbabala rin si Cruz na handa silang idulog sa Korte Suprema ang usapin sakaling paboran ng DOE ang marketers na magpatakbo ng LPG swapping center sa halip na gobyerno.
- Latest

















