^

Bansa

Pinas bibili ng 6 Chinook helicopter mula US

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaplano ng Pilipinas na bumili ng anim na Boeing CH-47 Chinook heavy-lift helicopter mula sa Estados Unidos gamit ang bahagi ng $2 bilyong Foreign Military Financing (FMF) package na inianunsiyo ni US President Donald Trump.

Kinumpirma ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na pormal nang nag­hain ang pamahalaan ng kahilingan sa gobyerno ng US para sa pagbili ng mga helicopter, na inaasahang maihahatid sa Setyembre 2029 bilang bahagi ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Nag-request tayo sa US government doon sa $2 billion financing ng anim na Chinook. Iyon lang ang maaari kong isiwalat sa ngayon tungkol sa package,” ayon kay Teodoro sa pagtatapos ng AJEX DAGITPA (Dagat, Langit at Lupa), ang pangunahing joint military exercise ng AFP sa Camp Aguinaldo nitong Huwebes.

Ayon kay Teodoro, ang mga Chinook ay magpapalakas sa kakayahan ng Philippine Air Force at magsisilbing suporta sa kasalukuyang fleet ng S-70i Black Hawk helicopters. Aniya, apat na beses na mas maraming kargamento ang kayang buhatin ng Chinook kumpara sa Black Hawk, na makatutulong upang mapabilis ang mga operasyon at mabawasan ang pangangailangan sa logistics.

Bagama’t napatunayang epektibo ang Black Hawk sa disaster response at iba pang misyon, sinabi ni Teodoro na limitado pa rin ang kapasidad nito sa pagdadala ng mabibigat na kagamitan at suplay.

Kayang magsakay ng Chinook ng mga naka-pallet na kargamento, sasak­yang militar, mga piraso ng artilerya at iba pang mabibigat na kagamitan, dahilan upang maging mahalagang asset ito sa humanitarian assistance, disaster response at mga operasyong militar.

Bukod dito, maaari itong magsakay ng humigit-kumulang 30 hanggang 40 tropa kada biyahe at magdala ng hanggang 24,000 libra ng kargamento at mga tauhan bilang isang heavy-lift helicopter.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with