^

Bansa

Tax sa text ibinasura na ng Malacañang

-
Ibinasura na ng Malacañang ang planong pagpapataw ng buwis sa text messages matapos itong ulanin ng batikos mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Sa kanyang press briefing kahapon, nilinaw din ni Presidential Deputy Spokesman Ricardo Saludo na hindi ang Palasyo ang may ideya ng pagpapataw ng buwis sa text gaya ng pinalalabas sa mga ulat.

Ang planong tax sa text ay inihayag ni NEDA Economic Planning Sec. Romulo Neri sa isang press briefing sa Malacañang Press Corps kamakailan.

Inaasahan anyang makakalikom ang pamahalaan ng kulang sa P7 bilyon hanggang P14 bilyon mula sa hakbanging ito na makakatulong ng malaki sa kasalukuyang kakulangan sa pondo.

Nang tanungin kung ano ang gagawin ng pamahalaan para makalikom ng pondong pamalit sa panukalang tax sa text, sinabi ni Saludo na pagbubutihin ng gobyerno ang paglikom ng buwis sa sigarilyo at alak at iba pang nakalalangong inumin. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ECONOMIC PLANNING SEC

IBINASURA

INAASAHAN

LILIA TOLENTINO

MALACA

NANG

PALASYO

PRESIDENTIAL DEPUTY SPOKESMAN RICARDO SALUDO

PRESS CORPS

ROMULO NERI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with