^

Bansa

Eddie Gil iprinoklama ng supporters

-
Bagaman magsisimula pa lamang ang bilangan ng boto sa pagka-presidente at bise presidente sa Kongreso ngayong araw ay inunahan na ng mga tagasuporta ng Isang Bansa, Isang Diwa party ang pagpoproklama sa kanilang standard bearer na si Eddie Gil bilang nanalong pangulo sa katatapos na May 10 presidential elections, kahapon ng umaga sa Club Filipino.

Ayon kay Atty. Romeo Igot, abogado ng Isang Bansa, Isang Diwa, nanalo ng walang numero si Gil dahil hindi anila sila binigyan ng pagkakataon na iboto ang kanilang idolo.

Sinabi ni Igot na hindi sa bilangan ng boto nila ibinase ang pagkapanalo ni Gil dahil wala na siya sa listahan ng mga presidentiables kundi ang umano’y 13.7 milyong supporters ni Gil.

Ayon naman kay Gil, sorpresa ang prokla-masyon dahil abala na siya sa kanyang showbiz career.

Umaasa si Gil na kakatigan ng Korte Suprema ang kanyang inihaing petisyon na humihiling ng failure of election sa nagdaang May 10 elections.

Samantala, tinawanan naman ng Malacañang ang ginawang deklarasyon ni Gil na siya ang nagwagi sa idinaos na presidential election.

Sa kanyang press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na nagmistulang isang komedya ang ginawa ni Gil nang magdaos siya ng news conference sa Club Filipino kahapon para ideklarang siya raw ang nanalo sa halalan.

Gayunman, sinabi ni Bunye na ang komedyang ginawa ni Gil ay nakapagpabawas ng umiinit na tensiyon sa isyu ng kung sino talaga ang nanalo kasunod ng pag-aangkin ng panalo ng tatlong mga kandidato kasama na si Gil. (Ulat nina Ellen Fernando/Lilia Tolentino)

AYON

CLUB FILIPINO

EDDIE GIL

ELLEN FERNANDO

GIL

ISANG BANSA

ISANG DIWA

KORTE SUPREMA

LILIA TOLENTINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with