^

Bansa

FPJ bokya,GMA no. 1

-
Pinaboran ng halos lahat ng miyembro ng Makati Business Club (MBC) si Pangulong Arroyo kaysa kay action king Fernando Poe Jr. bilang pinaka-angkop na mamuno sa bansa.

Bagaman nanatiling nangunguna si FPJ sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) ngayong Enero, naniniwala naman ang matataas at malalaking negosyante na kung ang pagbabatayan ay pamamahala ng bansa, "walang ibang best fit at capable" kundi si Pangulong Arroyo sa botong 46.7%.

Naitala pa sa naturang survey na walang bumotong negosyante (zero vote) kahit isa kay FPJ at kay Jesus is Lord spiritual leader Bro. Eddie Villanueva.

Pumangalawa naman si dating Education Secretary Raul Roco (29.3%) at umabot lamang sa 4.9% ang botong nakuha ni Sen. Panfilo Lacson.

Sa tanong na pumili ng tatlong pinaka-positibong pangyayari sa ilalim ng Macapagal administration sa nakalipas na anim na buwan, tinukoy ng 15 porsiyento ang nagawa ni Pangulong Arroyo sa pagbabawas ng budget deficit, 13% sa kampanya laban sa droga at 12% sa pagbagsak ng inflation.

Itinatag noong 1981, ang Makati Business Club ay binubuo ng mahigit 800 chief executive officers at senior executives na kumakatawan sa mahigit 450 pinakamalalaking korporasyon sa Pilipinas.

Sa nakalipas na taon, nanguna ang MBC bilang forum para sa lider ng negosyo at pamahalaan upang tugunan ang kasalukuyang isyu tulad ng kalakalan at pamumuhunan, pananalapi at budget, paggawa at pamamahala, enerhiya, edukasyon, kalusugan, media at usaping panlabas.

Base sa kabuuang resulta ng survey, umariba si Pangulong Arroyo (27%) at mula fourth place ay umakyat ito sa second position.

Nanatili namang nangunguna ang aktor na si Fernando Poe Jr. na pinili ng 36% ng mga respondent na sinundan ni Raul Roco (19%).

Nasa ikaapat na puwesto naman si Sen. Panfilo Lacson (11%), JIL Bro. Eddie Villanueva, 1% at Eddie Gil, 0.1%.

Samantala sa vice presidential slot, nanguna ang running mate ni Arroyo na si Sen. Noli de Castro, sumunod ang ka-tandem ni FPJ na si Sen. Loren Legarda.

Ang survey ay ginawa sa class A hanggang E mula Jan. 16-22.

Sa mga senatoriables, nanguna si dating Videogram Regulatory Board (VRB) chairman Ramon "Bong" Revilla Jr.

Nakapasok rin sa magic 12 sina re-electionist Sen. Aquilino Pimentel, Sen. John Osmeña, dating Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Rodolfo Biazon, ex-Sen. Miriam Defensor-Santiago, dating Manila Mayor Alfredo Lim, Sen. Robert Barbers, dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada at Orly Mercado. (Ulat nina Lilia Tolentino at Edwin Balasa)

AQUILINO PIMENTEL

EDDIE GIL

EDDIE VILLANUEVA

EDUCATION SECRETARY RAUL ROCO

EDWIN BALASA

FERNANDO POE JR.

MAKATI BUSINESS CLUB

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

SEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with