Whistleblower Sandra Cam, pumanaw
MANILA, Philippines — Pumanaw si dating Philippine Charity Sweepstakes Office board member at whistleblower Sandra Cam sa edad na 64.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Mac Mac ang pagpanaw ni Cam o Sandra Abaño Martinez-Cam nitong Abril 10, 2025. Hindi na binanggit ang sanhi ng kamatayan ng ina.
Taong 2020 nang maharap si Cam sa kasong murder kaugnay sa pagpatay kay dating Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III subalit ang kaso ay naibasura noong 2023.
Noong 2005 ay ibinunyag niya na siya ay isang “jueteng” bagwoman bago naging “whistleblower” na nagbunyag sa mga pulitiko na tumatanggap ng pera sa sugal.
Itinalaga bilang board member ng PCSO si Cam noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
- Latest