Elected officials na walang SOCE ‘di makakaupo - DILG
MANILA, Philippines — Hindi makakaupo ang sinumang elected officials na walang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Ito ang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) alinsunod sa isinasaad ng Section 14 ng Republic Act No. 7166 at Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10730 na ang lahat ng kandidato at political parties na lumahok noong May 2025 elections ay dapat na magsumite ng kanilang SOCE hanggang Hunyo 11, 2025.
Sinabi ng DILG na hindi sila mag-iisyu ng anumang recognition of assumption o oath-taking ng mga officials na mabibigong magsumite ng SOCE. Ang lahat ng regional at field offices ay inatasang makipag-ugnayan sa Comelec bago manungkulan.
Mahaharap naman sa kasong administratibo ang nanalo at talunang kandidato na hindi magsusumite ng SOCE.
Ang SOCE ay paglalahad ng mga pondong tinanggap at ginamit ng mga kandidato sa panahon ng halalan.
- Latest