Baste papalitan si Robin bilang PDP Laban prexy
MANILA, Philippines — Papalitan ni Davao City Mayor Baste Duterte si Sen. Robin Padilla bilang PDP Laban president, ayon sa anunsiyo ng partido kahapon.
Nag-leave of absence si Padilla sa kanyang tungkulin bilang presidente ng PDP Laban para tutukan ang kanyang trabaho sa Senado pagpasok ng 20th Congress.
“Layunin ko pong ituon ang aking atensyon sa aking tungkulin bilang senador, lalo na sa paghahanda sa pagbubukas ng 20th Congress,” sabi ni Padilla sa sulat kay party vice president Alfonso Cusi.
Papalit sa puwesto ni Padila bilang acting head party president si Executive Vice President Baste Duterte alinsunod sa rules of succession ng partido.
Tiniyak ni Padilla sa mga miyembro ang kanyang patuloy na pangako sa partido at katapatan kay dating pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng partido.
Si Baste ay nanalong vice mayor ng Davao City noong nakaraang eleksiyon.
- Latest