^

Bansa

Safe conduct pass sa mga rebelde aprub kay Pangulong Marcos

. Gemma Garcia at Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayagan na ni Pa­ngulong Ferdinang Marcos Jr. ang National Amnesty Commission (NAC) para magbigay ng safe conduct pass sa mga rebeldeng nais magbalik loob sa gobyerno.

Sa Memorandum ­Order 36 na nilagdaan ng Pangulo, nakapaloob dito ang permiso sa kahilingan ng NAC para malayang makagalaw ang mga rebelde ng walang aaresto sa kanilang pag-a-apply ng amnestiya.

Nilinaw naman ng memo na ang safe conduct pass ay hindi gagamitin para palabasin sa detensyon ang rebeldeng mayroong warrant of ­arrest o kaya ay magdala ng baril.

May bisa lamang ang safe conduct pass ng 15 araw simula sa ­mismong araw na maisyu ito sa isang rebeldeng nais magbalik loob sa gob­yerno.

NAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with