11 Cabinet execs igigiit executive privilege
MANILA, Philippines — Dadalo ang 11 mga opisyal ng gobyerno sa pagdinig ng Senado sa darating na Abril 10 kaugnay sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, kabilang sa listahan ng Office of the Executive Secretary sina Justice Secretary Crispin Remulla, Prosecutor General Anthony Fadullon, State Council Arvin Chan, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Philippine Center on Transnational Crime Executive Director Philipe Alcantara, PNP Chief General Francisco Marbil, CIDG Chief Nicolas Torre III, Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Special Envoy Markus Lacanilao, Securities and Exchange Commission chief counsel RJ Bernal at SEC Atty. Ferdinand Santiago.
Paliwanag ni Castro, ang desisyong ito ng OES ay bilang pagrespeto na rin sa hiling ni Senate President Chiz Escudero na magpadala ng mga opisyal ng ehekutibo sa gagawing pagdinig.
Sa kabila nito, iginiit ni Castro na maaari pa ring igiit ng mga dadalong opisyal ang Executive Privilege sa mga tanong na hindi kailangang maisapubliko.
- Latest