^

Bansa

Pinag-aralan, 'wag gawing isyu kay FPJ - Nene

-
Iginiit kahapon ni re-electionist Sen. Aquilino Pimentel na hindi isyu ang academic credentials ni action king Fernando Poe Jr. sa darating na 2004 elections.

Sinabi ni Sen. Pimentel ng PDP-Laban, ang mahalaga ay ang pagkakaroon ni FPJ ng puso na kanyang magiging gabay sa paggawa ng tama na mahalaga sa ating buhay na hindi nakikita ng ating mga mata.

Aniya, ang talino ay sekondarya lamang na credentials ng sinumang kandidato dahil ang pangunahing tinitingnan ng mga botante ay ang pagkakaroon ng pusong makatao ng kanilang iboboto.

Winika pa ni Pimentel, hindi man nakatapos sa kanyang pag-aaral si FPJ ay naging matagumpay pa rin itong negosyante.

Sa kabila anya na hindi nakatapos ng pag-aaral si FPJ ay nagawa naman nitong maging matagumpay sa kanyang larangang pinasok, patunay na hindi hadlang sa paggawa ng mabuti ang kakulangan ng edukasyon.

Naniniwala si Pimentel na bukod sa pagiging popular na artista ay napamahal si FPJ sa taumbayan partikular sa kanyang mga tagahanga dahil sa angkin nitong pusong makatao. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

AQUILINO PIMENTEL

FERNANDO POE JR.

IGINIIT

LABAN

NANINIWALA

RUDY ANDAL

SINABI

ULAT

WINIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with