^

Bansa

PhilHealth magtatataas ng kaltas

-
Simula sa susunod na taon ay itataas na ng PhilHealth ang monthly contribution nila sa mga empleyado at employer mula P75 hanggang P100.

Ayon sa PhilHealth ang pagtaas ay dulot ng pagkakaroon ng mga karagdagang benepisyong ibibigay ng ahensiya sa mga miyembro nito. Kasama sa mga rason na ibinigay ng PhilHealth ay ang pagpapatibay ng National Health Insurance Program.

Ayon sa ipatutupad na pangongolekta, ang monthly salary contribution base ng isang miyembro ay itataas sa P4,000 simula Enero 1. Ang monthly contribution ng employed sector ay itataas mula P75 ay gagawin na itong P100 kada buwan o 2.5 porsiyento ng kanyang buwanang monthly salary bracket.

Ang monthly salary cap ay itataas naman mula sa P10,000 sa P15,000 sa 2004. Sa 2005 ay muli itong itataas mula P15,000 ay gagawing P20,000.

Sinabi ng PhilHealth na kapag hindi naipatupad ang pagtataas sa minimum contribution ay kakapusin ng pondo ang ahensiya upang ipangtustos sa mga benepisyo ng mga miyembro nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

EDWIN BALASA

ENERO

ITATAAS

KASAMA

MONTHLY

NATIONAL HEALTH INSURANCE PROGRAM

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with