Ebidensiya, testigo isapubliko
August 8, 2003 | 12:00am
Hinamon ni Defense Secretary Angelo Reyes kahapon ang mga coup plotters na nagdadawit sa kanya sa Davao bombing na ilantad ang kanilang mga testigo at isapubliko ang kanilang mga ebidensiya.
"If they have the evidence and testimonies that I bombed Davao, come forward and present those evidence immediately," pahayag ni Reyes sa ginanap na Newsmakers Breakfast Forum sa Century Park Hotel, Manila kahapon ng umaga.
Napakarami umanong sinasabi ng mga abogado ng mga nagrebeldeng sundalo subalit wala namang maipakitang mga ebidensiya. "What is happening here is that Im being tried by publicity. The lawyers say so many things without presenting the evidence."
Himutok ng defense chief, hindi lamang siya ang biktima ng nangyayaring "trial by publicity" kundi ang buong military at defense department.
Nangangamba si Reyes na kung magpapatuloy ito ay tuluyang mawawalan na ng kumpiyansa ang publiko sa kasundaluhan na siyang gustong mangyari umano ng mga kalaban ng republika. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest