^

Bansa

Conviction sa drug case mas may puntos sa malaking drug-bust – PNP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni PNP Chief Gene­ral Jose Melencio Nartatez Jr. ang tagumpay at tunay na kahalagahan ng paglaban sa ilegal na droga sa naging hatol ng korte sa isang Canadian national na hindi lang nagtapos sa pag-aresto.

Ayon kay Nartatez, mas ganap ang tagumpay ng operasyon kung ang lumabag sa batas ay napatawan at may conviction, kumpara sa malaking drug-bust na pagkasamsam ng P9.68 bilyon ng 1.4 toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas  noong 2024, na higit na pinagtuunan ng pansin ng publiko ang balita.

Kadalasang hindi na napapansin ang kasunod na kabanata, tulad ng kamakailan na hinatulan ng korte ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo, ang isang Canadian national sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ipinabatid ni Nartatez na ang pinakamahirap na parte sa tungkulin ng pulisya ang pagbuo ng kaso na tatayo sa korte at mauuwi sa pagpataw ng parusa sa lumabag sa batas.

Ipinapakita rin ng kinalabasan ng kaso ang patuloy na pagbibigay-diin ng PNP sa intelligence-driven investigations na tunay na sukatan ng tagumpay.

Ito rin ang uri ng pagtutok at pagpapatuloy ng trabaho na isinusulong ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

NARTATEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with