^

Bansa

Gibo ‘di patitinag sa China

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalewala ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang ipinataw umanong parusa ng China laban sa kanya at sa miyembro ng kanyang pamilya, at iginiit na hindi siya nito mapipigilan sa pagtupad sa kanyang tungkulin at pagtatanggol sa interes ng bansa.

Sa pahayag na inilabas ng Department of National Defense noong Biyernes, sinabi ni Teodoro na tugon ng Beijing ang naturang hakbang laban sa mga taong nagsasabi ng katotohanan tungkol sa aniya’y panlilinlang at mapilit na pagkilos ng China.

“Karapatan nila iyan. Ganoon talaga ang ginagawa nila sa mga nagsasabi ng katotohanan sa panlilinlang nila,” ani Teodoro. Dagdag pa niya, mas mabigat na pagtrato ang dinaranas ng ilang mamamayang nasa ilalim ng impluwensiya o kontrol ng China.

Binigyang-diin ng kalihim na magpapatuloy siya sa pagganap ng kanyang mandato at pagtataguyod sa soberanya ng Pilipinas sa kabila ng mga parusa, lalo na sa harap ng tinawag niyang ma­ling mga kilos ng China sa karagatang sakop ng bansa.

Si Teodoro ay kabilang sa mga pinakamalalakas ang tinig sa administrasyong Marcos pagdating sa pagkondena sa mga aktibidad ng Beijing sa West Philippine Sea. Paulit-ulit niyang ipinagtanggol ang mga karapatang soberanya ng Pilipinas at kinondena ang mga hakbang na aniya’y nagbabanta sa katatagan ng rehiyon.

GIBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with