^

Bansa

‘Wag mapagod ipaglaban ang Pinas – Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Wag mapagod ipaglaban ang Pinas – Marcos
Ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at First Family habang pinapanood ang parada ng Armed Forces of the Philippines (AFP) military assets sa 128th Inde- pendence Day celebration, na may temang ‘‘Ang Kalayaang Pinapangarap” na ginawa sa Quirino Grandstand, Manila kahapon. Nakiisa rin sa okasyon si acting Senate President at Pro Tempore Win Gatchalian.
Noel B. Pabalate

MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na huwag mapagod na mahalin, piliin at ipaglaban ang Pilipinas.

Inihayag ito ng ­Pangulo sa ika-128 Proklamas­yon ng Araw ng Kalayaan at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Jose Rizal sa Luneta, Maynila.

“Sa bawat Pilipino, ito ang aking panawagan: Huwag po tayong mapagod na mahalin, piliin, at ipaglaban ang Pilipinas,” pahayag pa ni Marcos.

Paalala pa ng Pa­ngulo sa bawat Pilipino na palalimin ang kamalayan at maging mapanuri sa katotohanan at gamitin din sa tama ang ating kakayahan at hindi sa kasamaan.

Lumaban din aniya nang patas sa araw-araw at huwag pagsamantalahan ang pinagpaguran ng iba at piliin natin ang ikabubuti ng bayan laban sa interes ng iilan.

Paalala pa ni Marcos na dapat gawing inspiras­yon ang mga bayani na siyang nagturo sa atin ng pagkakaisa para makamit ang kasarinlan at nagturo na tunay na pinuno ay nagsasakripsyo ng sariling interes para sa ikabubuti ng bayan.

“Kung mananatili tayong tapat sa mga adhikaing ito, makatitiyak tayong magmamana ang mga susunod na hene­rasyon ng isang bansa na mas matatag, mas makatarungan, at mas maunlad,” pahayag pa ni Marcos.

Iginiit pa ng Pangulo na sa kabila ng mga hamon sa ating kalayaan at kaunlaran ay nandiyan pa rin ang mga katiwalian, pagkakanya-kanya at kahirapan, pandaigdigang kaganapan at banta ng climate change  ay nananatili ang pag- asa sariling interes para galing, sipag at kabutihan ng mga Pilipino.

MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with