Guingona pumalag sa titulong 'Mindanao czar'
November 30, 2002 | 12:00am
Itinanggi kahapon ni Vice President Teofisto Guingona Jr. na tinanggap niya ang pagiging "Mindanao czar" at nagbalik bilang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Guingona na walang katotohanan ang inihayag ni Press Secretary Ignacio Bunye na pumayag siya kundi nagkasundo lamang sila ng Pangulo noong magbitiw siya na ipagpapatuloy ang mga naiwan niyang programa tulad ng OFI bonds para sa mga OFWs, pabahay sa mga ito, rehabilitasyon ng Integrated Steel plant sa Mindanao at Seafarers welfare program.
Wika ni Guingona, hindi na siya maaaring magbalik sa Gabinete ni GMA dahil marami silang isyung hindi napagkakasunduan tulad ng posisyon sa Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) na dapat ay ratipikahan ng Senado.
Inamin naman ni Bunye na nagkamali siya ng interpretasyon sa nilalaman ng ipinalabas na administrative order no.45 sa pag-aakalang itinalaga na siyang Mindanao czar gaya ng napagkasunduan nina GMA at Guingona. (Ulat nina Rudy Andal/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest