^

Bansa

Imelda ipinaaresto ng Sandiganbayan

-
Ipinaaresto kahapon ng Fourth Division ng Sandiganbayan si dating First Lady Imelda Marcos matapos makakita ng probable cause si Associate Justice Narciso Nario na nagkaroon ng iregularidad sa paggamit ng may $601 milyong pondo ng mga foundation na itinayo noong ito pa ang minister ng Human Settlement.

Gayunman, bago pa man maisilbi ang warrant of arrest ay agad naglagak ng P120,000 piyansa si Mrs. Marcos para sa kanyang pansamantalang paglaya. Nagtakda si Justice Nario ng tig-P30,000 piyansa para sa apat na bilang ng graft.

Kung matatandaan, unang nadiskubre ang umano’y ill-gotten wealth ng pamilya Marcos noong 1991 na nagkakahalaga lamang ng $356 milyon kung saan ang dating unang ginang ang namuno sa pagtatayo ng foundation.

Isinulong ng Ombudsman ang kaso sa Sandigan matapos makita ang partisipasyon ni Mrs. Marcos sa pagtatag at pangangasiwa ng Aguamina Foundation na kilala rin bilang Rosaly Foundation.

Ang naturang foundation din umano ang ginamit ni dating Pangulong Marcos at Mrs. Marcos para maitago ang malaking halaga ng salapi sa pamamagitan ng pagbubukas at pagmamantina ng accounts sa iba’t ibang banko sa labas ng Pilipinas. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AGUAMINA FOUNDATION

ASSOCIATE JUSTICE NARCISO NARIO

FIRST LADY IMELDA MARCOS

FOURTH DIVISION

HUMAN SETTLEMENT

JUSTICE NARIO

MALOU RONGALERIOS

MRS. MARCOS

PANGULONG MARCOS

ROSALY FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with