^

Bansa

Erap hindi sinipot ang anibersaryo ng senado

-
Kahit pinayagan ng Sandiganbayan na makadalo sa photo session ng Senado si dating Pangulong Estrada ay minabuti na lamang nito na manatili sa kanyang detention room sa Veterans Memorial Hospital sa Quezon City dahil ayaw na umano niyang gumastos pa ng malaki ang gobyerno kung e-eskortan na naman siya patungo sa Senado.

At dahil walang Erap na sumipot kahapon sa ginanap na ika-85 anibersaryo ng Senado, nagsolo at walang escort nang dumalo ang kanyang maybahay na si Sen. Loi Ejercito Estrada.

Naunang hiniling ni Sen. Loi sa Senado na payagang makadalo ang kanyang mister sa gaganaping photo session. Pero matapos payagan, nagpasya si Estrada na huwag umatend at manatili na lamang sa ospital. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ERAP

KAHIT

LOI

LOI EJERCITO ESTRADA

NAUNANG

PANGULONG ESTRADA

PERO

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SENADO

VETERANS MEMORIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with