^

Bansa

Hostage ginahasa ng 2 bandido sa harap ng anak bago pinakawalan

-
Halinhinang ginahasa ng dalawa sa mga bandidong Abu Sayyaf ang isa sa mga babaeng hostages sa harap mismo ng anim-na-taong gulang na anak nitong babae sa pinakabagong insidente ng kidnapping sa Lamitan, Basilan.

Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan na sa harap mismo ng anak ng 28-anyos na ginang ay ginahasa ng mga hayok na Abu Sayyaf ang biktima na hindi nito tinukoy ang pangalan bunga na rin ng kahihiyang inabot nito.

"Masyadong traumatic yung nangyari sa victim, it shows how barbaric the Abu Sayyaf is, they have no mercy to the innocent civilians", pahayag ni Adan.

Ang panggagahasa ay nasaksihan rin ng ilang mga hostages subalit hindi magawang daluhan ang biktima dahilan sa tinututukan sila ng baril at mga itak ng mga bandido.

Sa kabila ng pagmamakaawa ng ginang ay hindi ito pinakinggan ng mga buhong na Abu Sayyaf at itinuloy pa rin ang panggagahasa sa biktima.

Nang makaraos ang mga ito ay inabandona ang biktima at ang anak nito sa kagubatan ng Brgy. Balobo bilang reward umano matapos nilang molestiyahin ang pagkababae ng naturang ginang.

Ang ginang ay kabilang sa 33 dinukot at kasama sa siyam na pinalayang hostages ng mga bandidong kamakalawa.

Sa kasalukuyan ay medyo tulala pa ang biktima dahilan sa masaklap nitong sinapit sa kamay ng kaniyang mga abductors. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ADAN

BALOBO

BASILAN

BRGY

EDILBERTO ADAN

HALINHINANG

JOY CANTOS

SPOKESMAN BRIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with