^

Bansa

2 int'l terrorists kasabwat ng Sayyaf sa kidnapping

-
Isang Iranian at isang Lebanese ang hinihinalang kasabwat ng mga bandidong Abu Sayyaf sa naganap na pagdukot sa 20 hostages sa Dos Palmas resort sa Palawan.

Kinilala ni AFP spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan ang mga Arab nationals na sina Iranian Banerol Naghsh Mansour at Lebanese Bouldhourjian Nazared na naka-book sa cottage no.9 at no.10 sa Dos Palmas simula pa noong Mayo 24 hanggang sa maganap ang pagdukot noong Mayo 27.

Lumilitaw sa imbestigasyon na puwersahang sinira ng mga kidnappers ang lahat ng bay cottages na kinaroroonan ng mga hinostage na biktima pero kahina-hinalang hindi ginalaw ang tinutuluyan ng dalawa.

Base rin sa intelligence report na nakalap ni PNP chief director Gen. Leandro Mendoza noong Mayo 26, isang araw bago naganap ang Palawan kidnapping ay nag-checkout ang dalawa sa Dos Palmas pero hindi dumaan sa airport at umupa ng pump boat at dalawang beses nagpaikot-ikot sa bisinidad ng resort.

Nabatid na may nakakita sa dalawang suspek na kausap ng mga lokal na Muslim na hinihinalang mga Abu Sayyaf kung saan ay posibleng ipinabatid na ng mga ito ang kinaroroonan ng mga "potential target" na kikidnapin.

Napag-alaman pa na nauna nang inalam ng mga banyaga sa mga staff ng hotel kung sinu-sino ang bisita ng resort na anila’y lubhang napakaganda kaya dinarayo ng kilala at mayayamang tao, mga turista at mga negosyante.

Natagpuan sa cottage na tinuluyan ng dalawa ang napakaraming cellphone cards.

Gumagawa na ng hakbang ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para madakip ang mga ito at beripikahin kung gaano kalalim ang suspetsang mga miyembro ng international terrorist organizations ang dalawang banyaga. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

DOS PALMAS

EDILBERTO ADAN

IRANIAN BANEROL NAGHSH MANSOUR

ISANG IRANIAN

JOY CANTOS

LEANDRO MENDOZA

LEBANESE BOULDHOURJIAN NAZARED

PALAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with