^

Bansa

Senator-judge may death threat

-
Ibinunyag kahapon ni Senator-Judge Renato Cayetano sa impeachment court na tumanggap siya ng isang sulat na nagsasaad na papatayin na rin siya.

Hindi binanggit sa sulat kung sino ang nagpadala nito pero sinasabi rito na napagkaisahan ng grupo nito na pinangungunahan ng isang Ka Basil RHB III na papatayin siya ng mga ito kapag hindi niya ipinamahagi sa mahihirap ang kinita niyang P70 milyon sa Best World Resources. May kasamang bala ang sulat na nakapaloob sa isang envelope ng LBC.

Samantala, hinamon ni Cayetano ang Senado na unahing imbestigahan sina Senators John Osmeña at Tessie Oreta na tumanggap ng tig-P1 milyong balato sa jueteng bagaman hindi siya natatakot na maimbestigahan sa umano’y pagbili niya ng shares sa kontrobersyal na BWR nang hindi nagbabayad. Iginiit ni Cayetano na, kailanman, hindi siya humingi o nagkaroon ng shares of stocks nang hindi nababayaran. (Ulat ni Doris Franche)

BEST WORLD RESOURCES

CAYETANO

DORIS FRANCHE

IBINUNYAG

IGINIIT

KA BASIL

SAMANTALA

SENATOR-JUDGE RENATO CAYETANO

SENATORS JOHN OSME

TESSIE ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with