Tunay na Uy tetestigo
January 10, 2001 | 12:00am
Nagpahayag kahapon ng kahandaan ang tunay na Jose Victor Tan Uy na humarap sa impeachment court para pasinungalingan na siya ang Eleuterio Tan na kaibigan ng negosyanteng si Charlie "Atong" Ang.
Sinabi ni Uy sa kanyang sulat kay Senate President Aquilino Pimentel Jr. na nagpasya siyang lumantad dahil lumilitaw na ang mukha niya ang ginamit ng isang Eleuterio Tan na kabilang sa mga dummy na ginamit ni Ang sa pag-withdraw ng P40 milyon sa Land Bank of the Philippines para kay Pangulong Joseph Estrada.
Sinabi kahapon ni Chief Prosecutor at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte na nakakuha sila ng impormasyon na, bago pa man nagsimula ang paglilitis sa kasong impeachment ni Pangulong Joseph Estrada, nai-withdraw na ang lahat ng pera sa account ni Jose Velarde.
Pero hindi anya ito problema dahil hindi mabubura ang mga rekord nito sa banko.
Mas mahalaga anyang malaman kung sino ang nagbigay ng awtorisasyon na maglabas ng pera sa naturang account. (Ulat ni Malou Rongalerios at Doris Franche)
Sinabi ni Uy sa kanyang sulat kay Senate President Aquilino Pimentel Jr. na nagpasya siyang lumantad dahil lumilitaw na ang mukha niya ang ginamit ng isang Eleuterio Tan na kabilang sa mga dummy na ginamit ni Ang sa pag-withdraw ng P40 milyon sa Land Bank of the Philippines para kay Pangulong Joseph Estrada.
Pero hindi anya ito problema dahil hindi mabubura ang mga rekord nito sa banko.
Mas mahalaga anyang malaman kung sino ang nagbigay ng awtorisasyon na maglabas ng pera sa naturang account. (Ulat ni Malou Rongalerios at Doris Franche)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest