^

Bansa

Opisina ni Cudal ikinandado ni Lacson

-
Ikinandado kahapon ni Philippine National Police Chief Director-General Panfilo Lacson ang tanggapan ni Police Community Relations Service Director C/Supt. Steve Cudal na tinanggal niya sa puwesto kamakalawa dahil sa umano’y pahayag nito sa isang television station na nagkakaroon ng demoralisasyon sa hanay ng pulisya.

Sinabi ni Lacson na hindi lang ang pagkakaroon ni Cudal ng kasong graft sa Sandiganbayan ang dahilan ng pagtanggal niya rito kundi pati ang ginawa nitong pahayag sa telebisyon.

Nagbanta naman si Cudal na irereklamo niya sa korte ang pagtanggal sa kanya ni Lacson. Winika naman ng huli na nakahanda siyang harapin ang demanda ni Cudal.

Sa kaugnay na ulat, pinabulaanan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Angelo Reyes na maraming sundalo ang demoralisado na gaya ng ipinamamalita ng ilang retiradong heneral ng AFP. Iginiit niya na mataas ang moral ng mga tauhan ng militar dahil tanggap ng mamamayan ang ginagawa nila lalo na sa Mindanao. (Ulat ni Rudy Andal)

ANGELO REYES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CHIEF OF STAFF GEN

CUDAL

IGINIIT

IKINANDADO

LACSON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF DIRECTOR-GENERAL PANFILO LACSON

POLICE COMMUNITY RELATIONS SERVICE DIRECTOR C

RUDY ANDAL

STEVE CUDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with