^

PSN Palaro

Perpetual sasandal kay Dapol vs San Beda

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sasandalan ng Perpe­tual Help si reig­ning Most Valuable Player (MVP) Mary Rhose Dapol sa pagharap nila sa San Beda University sa NCAA Season 99 women’s volleyball na lalaruin sa Filoil EcoOil Arena ngayong araw.

Umaapoy ang performance ni Dapol sa huli nilang laro matapos magtala ng 35 points pero hindi sapat upang akbayan sa panalo ang Lady Altas kontra tigasing Lyceum of the Philippines Lady Pirates.

Kaya naman walang ibang nasa isip ni Dapol at ng Lady Altas kundi ang bumangon upang pagandahin ang karta at manatiling may tsansa na makapasok sa semifinals.

Hawak ang 2-2 karta, kasalo ng Lady Altas sa No. 5 ang Mapua University Lady Cardinals.

Magsisimula ang paluan sa alas-10 ng umaga habang pangalawang laro ang bakbakan sa pagitan ng Lady Cardinals at Jose Rizal University Lady Bombers sa alas-2 ng hapon.

Nakatambay sa fourth place ng team standings ang Arellano University Lady Chiefs na may 3-2 card kaya ang panalo ng Lady Altas ang mag-aangat sa kanila ng isang puwesto.

Bukod kay Dapol, huhugot din ng puwersa ang Lady Altas kina Chaila Allaine Omipon, Camille Bustamante at Razel Paula Aldea.

Subalit tiyak na mapapalaban ang Lady Altas dahil uhaw sa panalo ang San Beda na nakasiksik sa No.7 kasama ang Lady Bombers.

Ibabangga ng San Beda sina Angel Mae habacon, Kleinerros Abraham at Erin Feliz Navarro para ipantapat sa pambato ng Perpetual Help.

Samantala, mag-isa sa tuktok ang defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers na may malinis na limang panalo.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with