^

Bansa

Vlogger tinawag na ‘Failed State’ Pinas, binira

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pahayag ng political vlogger na si Jun Abines na tinawag ang Pilipinas na isang “failed state” at inilarawan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) bilang mga “mersenaryong nagsisilbi sa mga kriminal.”

Ayon kay Goitia, malaking insulto ang naturang pahayag sa halos 400,000 sundalo at pulis na araw-araw nagsasakripisyo upang ipagtanggol ang bansa at paglingkuran ang sambayanan.

“Karapatan ng bawat Pilipino ang punahin ang pamahalaan. Iyan ang demokrasya. Pero ang husgahan ang buong AFP at PNP dahil sa kasalanan ng iilan ay hindi katarungan,” aniya.

Dagdag pa niya, ang AFP at PNP ang nagbabantay sa soberanya, tumutulong sa oras ng kalamidad, at nagsasakripisyo upang ma­panatiling ligtas ang mga komunidad.

Giit ni Goitia, maling bansagan ang Pilipinas bilang failed state dahil nananatiling gumagana ang pamahalaan, naipatutupad ang batas, at nagagampanan ng estado ang mga pangunahing tungkulin nito.

Binanggit din ni Goitia na nanana­tiling matatag ang mga demokratikong institusyon ng bansa, patuloy ang paglago ng ekonomiya, at tuloy ang pagtupad ng AFP at PNP sa kanilang tungkulin.

VLOGGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with