Duterte tanggap ang kanyang tadhana
‘Do not worry, ok ako’
MANILA, Philippines — “So be it if it is my destiny.”
Ito ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang video bago lumapag ang kanyang eroplanong sinasakyan sa Rotterdam The Hague airport.
Sa video message ng dating Pangulo na pinost sa kanyang Facebook account, sinabi niya na inaasahan na niya ang mahabang legal proceeding matapos ang kanyang pagkakaaresto.
“To my countrymen, just to give you the current situation, I am about to land in The Hague. Galing ako Dubai, stopover... It’s a long haul, it’s a long flight. OK ako. Do not worry,” pahayag pa ni Duterte.
Nanindigan din si Duterte, siya ang mananagot sa mga nangyari noong nakaraan dahil siya ang naka-front sa mga law enforcement maging sa military at nangakong poprotektahan sila.
Bagama’t mahaba pa aniya ang prosesong legal na kanyang kakaharapin ay patuloy naman siyang maglilingkod sa bansa at kung ito ang kanyang tadhana ay mangyayari.
Samantala, nakapasok na ang dating pangulo sa Hague Penitentiary Institution o sa Scheveniangen Prison kung saan dito siya mananatili habang hinihintay ang pagdinig ng kanyang kasong crime against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Ang kaso ay may kaugnayan sa war on drugs noong panahon ng kanyang administrasyon.
- Latest