^

Police Metro

Kelot na nakulong sa droga, utas sa ambush

Mer Layson - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Kelot na nakulong sa droga, utas sa ambush
Sa ulat ng Antipolo City Police, ala-1:30 ng hapon ay lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at pagsapit sa Sitio Abuyod, sa Brgy. San Jose, Antipolo City nang bigla itong paulanan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang lalaki na dati nang nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga ang nasawi nang pagbabarilin umano ng ‘di kilalang salarin sa isang ambush sa Antipolo City, kama­kalawa.

Kinilala ang biktima sa alyas na ‘Ariel,’ 37, self-employed, at residente ng Brgy. San Jose, Antipolo City.

Inaalam pa naman ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng salarin na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng Antipolo City Police, ala-1:30 ng hapon ay lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at pagsapit sa Sitio Abuyod, sa Brgy. San Jose, Antipolo City nang bigla itong paulanan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima ay mabilis nang tumakas ang salarin, bitbit ang armas na ginamit sa pagpatay.

Sa imbestigasyon, nabatid na dati nang napiit ang biktima at nagsilbi ng sentensiya dahil sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 noong 2021 at Presidential Decree 1602 naman noong 2024.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with