Urdaneta mayor at vice mayor Parayno, ‘di na papayagan na makapasok sa city hall
MANILA, Philippines — Kinordon na ng mga tauhan ng PNP at DILG ang luma at bagong city hall ng Urdaneta City Pangasinan para tiyaking hindi na makakapasok dito ang magpinsang sina Urdaneta City Mayor Julio Parayno Jr., at Vice Mayor Jimmy Parayno.
Ito ay makaraang ipag-utos ni DILG Secretary Jonvic Remulla kay DILG Region 1 Director Jonathan Leusen ang pagpapatupad sa utos ng Malakanyang na 1 year suspension laban sa magpinsan kaugnay ng kasong grave misconduct at grave abuse of authority.
Nakasaad sa ipinalabas na kautusan ni Secretary Remulla na huwag papasukin sa city hall at extention office nito ang mga Parayno nang makarating sa kanya ang report na kahit na naigawad ng DILG ang suspension order ng Malakanyang sa magpinsan noong January 7 ngayong taon ay patuloy pa ring pumapasok sa city hall ang mga ito hanggang kahapon.
Nang malaman ni Remulla ang pag-isnab ng mga Parayno sa utos ng Malakanyang ay agad na naglabas ng 10 araw na ultimatum ang kalihim para sundin ang 1 year suspension order ng Malakanyang noong Enero 3 matapos mapatunayang guilty sa kasong grave abuse of authority at grave misconduct nang ilegal na palitan sa puwesto si Punong Barangay Michael Brian Perez bilang Presidente ng Liga ng mga Barangay noong 2022.
- Latest