^

Police Metro

Honeylet, ‘di na kakasuhan ng pulis na pinukpok niya ng cellphone

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umano magsasampa ng kaso laban kay Honeylet Avanceña, ang babaing tauhan ng Special Action Force (SAF) na pinukpok ng cellphone sa ulo ng longtime partner ni Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Philippine National Police (PNP) spokesperson PBGen. Jean Fajardo bagama’t una nang sinabi ng PNP na kakasuhan ng direct assault si Honeylet.

Ayon kay Fajardo, mismong ang pulis ­umano ang nagdesisyong hindi na sampahan ng reklamo si Honeylet.

Napagtanto umano ng pulis na kasama raw sa hazard ng kanyang trabaho ang sinapit niya, matapos umano siyang pukpukin ni Honeylet ng cellphone, sa kasagsagan ng kanilang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Nasa maayos na kondisyon na ang pulis at nagpapagaling. Sasagutin ng PNP ang lahat ng kanyang gastusin sa gamot.

Nakatakda ring gawaran ng pakilala ang pulis dahil sa pagtupad nito sa kanyang tungkulin.

HONEYLET AVANCEñA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->