6 drug suspects timbog sa P343.4 milyong shabu
MANILA, Philippines — Anim na drug suspects ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Muntinlupa City at Maynila, ayon sa ulat.
Sa Muntinlupa City ay nakumpiska sa dalawang suspek sa isang pinagsanib na operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa South Green Heights Village, Barangay Putatan ang nasa P340 milyong halaga ng shabu sa dalawang suspek na nakilalang sina alias Tita Joy at Liezel.
Ang shabu na may timbang na 50 kilogram ay nakalagay sa isang carton box na naglalaman ng 25 golden aluminum packs; isang luggage na may 20 vacuum-sealed orange packs na may label na “Cote d’Ivoire”; isang red eco bag na may lamang 5 vacuum-sealed orange packs na may label na “Cote d’Ivoire”.
Sa Sampaloc, Maynila naman ay naaresto ang apat na suspek na kinilalang sina alyas ‘Tisoy’; alyas ‘Moy-Moy, na isa umanong drug pusher at itinuturing na high value individual (HVI); alyas ‘JM’, na isa umanong HVI at drug pusher at alyas ‘Loloy,’ pawang residente ng Sampaloc, Manila, kamakalawa.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), alas-9:10 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa ikinasa nilang buy-bust operation sa Makiling St., kanto ng Craig St., Sampaloc at nakumpiska ang tinatayang aabot sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
- Latest