^

Punto Mo

Himala: Kapatid gumaling sa sakit! (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI ako nakapagsalita nang sabihin ng doktor ang halaga ng gagawing procedure sa kapatid kong si Victor para malaman ang kanyang sakit. Umaabot sa P3,500 ang gagawing procedure para malaman kung may sakit siya sa puso. Sabi ng doktor ang hirap sa paghinga ay iniuugnay sa puso kaya dapat ma-test ito. Ang gaga­wing procedure ay 2D echo.

Ang laman ng aking bulsa ng oras na iyon ay P500. Panggastos namin ni Victor sa loob ng isang linggo. Tinitipid ko iyon hanggang sa umabot sa next kong suweldo.

“Kailangang maisagawa ang procedure para malaman ang dahilan ng kanyang shortness of breath,’’ sabi ng doktor.

Hindi na ako nag-isip pa. “Sige po Doktor, isagawa mo na po ang kailangang procedure.” Iyon ay kahit hindi ko alam kung saan ako kukuha ng P3,500 na ibabayad.

“Okey. Kausapin mo ang secretary ko para maihanda ang isasagawang procedure.”
Lumabas kami ni Victor at kinausap ang secretary.

Sabi ng secretary, kailangang magbayad muna ng P3,500 bago maisagawa ang procedure. Isang paraan ang naisip ko: mangu­ngutang ako sa aking mga amo.

Nagpaalam ako kay Victor na aalis muna sandali.

“Saan ka pupunta Ate?”

“Sa restaurant. Dito ka lang muna. Babalik agad ako.” (Itutuloy)

SICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with