Kakaibang gamutan sa stress at nerbyos
1. Relaxation Therapy - Ang relaxation therapy ay magagawa sa pamamagitan ng paghinga ng mabagal at malalim, pagmumuni-muni at pagpapalakas ng katawan.
2. Masahe - May mga pag-aaral na ang pagpapa-masahe ay nakatutulong para kontrolin ang stress at pagkabalisa sa pamamagitan ng pagpapa-relax ng muscles at pagpapakalma ng iyong isip.
3. Aromatherapy - Ang aromatherapy ay ginagamitan ng langis na nagmumula sa iba’t ibang halaman para gamutin ang sakit. May paniniwala na ang compunds sa langis ay binubuhay ang ilang mga kemikal sa utak na mayroong pangpa-relax na epekto.
4. Art Therapy - Ang pag-drawing, painting, clay at sculpture ay makatutulong ipahayag ang mga saloobin at emosyon kung mahirap para sa kanila ang pag-usapan ito.
5. Music at pagkanta - Ang pakikinig sa musika, pagkanta at paglalaro ng musical instruments ay naka-re-relax at nagpapakalma.
6. Yoga - Ang regular na pagyo-yoga ay makatutulong bawasan ang pang araw-araw na stress at pagkabalisa. Kundalini yoga, isang klase ng yoga na napag-aralan para sa pagkabalisa, samahan ng pag-pose ng katawan at technique sa paghinga.
- Latest


















